THIS IS NOT A BLOG! Okay, so I just want to share to everyone a poem written in 2018 when my girlfriend and I celebrated our third anniversary. I hope you'll enjoy reading it and have fun loving your self, friends, special someones, families, and the people around you. #SpreadTheLove Isa, dalawa, tatlo Magtago na kayo Pero iyong feelings ko Sumasabog, ayaw maitago Hindi ikaw iyong unang babaeng napansin ko, Pero ikaw lang ang minahal ko ng todo. Salamat sa pagmamahal, pag-intindi, at asikaso, Babe, tatlong taon na pala tayo. Una... Sa iyong mga ngiting nakakabaliw, Sa mga galaw mong nakakaaliw, Mga kamay mong mapag-aruga, Mga labi mong nakakapanghina. Ang iyong mga mata Nakakatunaw kapag ako'y tinititigan na. Ang mga pisngi mong kaysarap halikan, Mga luto mong ayaw kong binabalikan (peace/joke!). Ang mga tenga mong laging nandiyan Upang mga kwento ko'y mapakinggan. Ang katawan mo'y ang sarap hawakan, Hagkan, kapitan, at alagaan. Ikaw mismo ang siyang dahilan, Ng mga ngiti sa aking mga labi, puso, at kalamnan. Pangalawa. Sa bawat pintig ng aking puso, At paghinga ay aking natatamo, Nakikita ang mga pangakong magpakailanman, Mga pangakong hindi iiwanan. Sa agawan ng araw at gabi, Ikaw ang laging nais na makatabi, Sa bawat unang beses kitang makita, Gusto ko laging may pangalawa, Pero huwag na huwag mag-alala, Kailanman, walang naging ikalawa. Ikalawa. Pangalawa. Walang hiya. 'Di ko ninais na magkaroon nito, Dahil ikaw lang ang laman ng puso, Sa bawat away na ating pinagsaluhan, Ikaw, at ikaw lang ang tanging laman Ng isip, puso at diwa, Naku naman, makatao man o makabansa, Sa bawat sulok ng kalikasan, Sa Maykapal ay aking ipinagdarasal, Ikaw ang gustong makasama, Sa panghabangbuhay, at syempre, sa kama. Dalawa... Dalawang batang makukulit, Para sa babaeng masungit, Hindi ko ipagkakait, Ang lahi kong napakapogi. Alalahanin mong hindi ako nagmamadali, Baka kasi may magalit, Handa din naman akong maghintay, Huwag lang naman sanang umabot sa habangbuhay. Dalawa... Umabot sa dalawang buwang walang kaway, Ni-"hello" o kahit man lang "hi", Pero kahit ganun, natuto naman tayo, Na sa bawat away, dapat hindi mabigo, Walang bibitaw hangga't kayang ipaglaban, Ang mga pusong kahit ano pa man, nagmamahalan. Dalawa... Mahal kita. Tatlo... Marso nung ikadalawanglibo't labinglima, bago matapos ang kolehiyo, Mga matatamis na "oo" ang narinig ng puso, Isa, dalawa, tatlo, "oo" at mahigpit na yakap mo, Ang aking nadama, mismo. Tatlo... Tatlong taon na nga pala tayo, Saan nga ba ito patungo? Ang relasyon natin ay sana parang prusisyon, Para kahit anong gawin natin, Sa simbahan ang ending. Hindi ko man laging nasasabi sa'yo, Naipapadama o naipapaabot, Pero sana ay isipin mo, Na sa bawat pagsikat ng araw At paglubog ng buwan, Ikaw ang laging nasa isipan. Tatlo... Tatlong taon pa, magiging daddy na ba ako? Kanina ko pa sinasabi ito, Sa mapagbigyan na ako, Pero kahit sampung taon pa ang aking hihintayin, Okay lang, basta ako'y sa'yo, At ika'y akin. All the love and may you be given the love you deserve, always.
0 Comments
Leave a Reply. |
iKenSpeak by Kenneth Jesmar Pacis | Author
Hey there! I'm Kenneth Jesmar Pacis, a newbie blogger and currently a manager of one of my family's business in Ilocos Norte, former instructor in a university in Ilocos Sur and a journalist of an award-winning student publication.
I'm on my way to becoming a vlogger, kidding! Writing has always served as a creative outlet of my random thoughts. I hope you enjoy my writings because I believe that #iKenSpeak and everyone can. |